KidneyPH Facebook Page

Kung ikaw ay isang Chronic Kidney Disease Stage V patient ikaw ay pwede magapply ng partial or total disability mula sa SSS.

Mga pangunahing kailangan:

  1. (36) contribution para makakuha ng buwanang pensyon, Kapag wala pang 36 ang total contributions lumpsum ang kanilang ibibigay.

Paano?

  1. Magtungo sa pinakamalapit na SSS office sa inyong lugar.
  2. Pumila sa medical section para makapagpaevaluate sa SSS medical personnel.
  3. Ihanda ang medical abstract, certificate para sa dagdag na katibayan sa inyong CKD 5
  4. Magpainterview sa medical personnel at makinig sa mga bilin at iba pang requirements na kailangan.
  5. Itago ang form na ibibigay at sa bahay na sagutan.
  6. Humingi ng referral letter kung wala kang bank account para 100php lang ang kailangan para makapagopen ng bank account.

Pagkatapos sa SSS office?

  1. Bumili ng brown long envelop (Sulatan ang likod ng pangalan, SSS number, contact number at ilagay kung partial or total disability application)
  2. Punan ang unang bahagi ng form at ang pangalawa ay dadalhin sa inyong attending doctor para sa detalye na inyong karamdaman.
  3. Ihanda ang mga sumusunod ( Medical Abstract, Medical Certificate, Latest Lab “creatinine” ) Dapat ay orginal at certified true copy ang ipapasa.
  4. Maghanda ng 1×1 picture
  5. Dalawang valid ID with 3 signature specimen.
  6. Pagnakumpleto na ang requirements maari ng ialagay sa SSS drop box sa pinaka malapit na SSS sa inyong lugar.

Ang proseso ay aabot ng dalawa hanggat tatlong buwan. Maari magfollowup sa SSS office after 2-3 months or icheck ang inyong bank account para malaman kung pumasok na ang inyong pensyon or lumpsum.

Support us by liking our facebook page: https://www.facebook.com/kidneyPH.org

By kidneyph

Ang KIDNEYPH.org ay isang website para sa mga taong may sakit sa bato or chronic kidney disease.

2 thoughts on “SSS disability benefits for dialysis patients”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *